Catriona Gray Little Miss Philippine noon, Miss Universe ngayon

GULAT na gulat si 2018 Miss Universe Catriona Gray nang makita niya ang throwback photo niya noong sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.

May nag-post kasi sa Instagram ng ilang photo niya na kuha sa nasabing segment ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Itinanghal na Little Miss Philippines in Sydney si Catriona noong 1999.

Ayon sa ikaapat na Miss Universe ng Pilipinas sa nasabing litrato, “How did you guys find this? I’ve never seen this picture before?”

Dugtong pa niya, “You guys are P.I. detective levels!!!”

Ang ilan pang kilalang celebrity ngayon na sumali rin sa Little Miss Philippines ng EB ay sina Pauleen Luna, Camille Prats, Angelica Panganiban, Julie Anne San Jose at Ice Seguerra (Aiza Seguerra).

Read more...