KUNG nawala na ang iconic horror film na “Shake Rattle & Roll” sa taunang Metro Manila Film Festival, may bago nang aabangan at katatakutan ang manonood this year, ang “OTLUM” (binaligtad na multo).
Sa direksyon ng producer at award-winning composer na si Joven Tan, bida rito sina Jerome Ponce, Kiray Celis, Michelle Vito, Buboy Villar, Danzel Fernandez, Yñigo Delen at ang basketball player at bagong crush ng bayan na si Ricci Rivero.
Inamin ni Direk Joven na talagang nasorpresa sila sa pagkakapili sa “OTLUM” bilang isa sa official entry sa Otlum sa 2018 MMFF, “Oo, kasi siyempre parang sumali ka rin sa contest kaya kahit sino puwedeng manalo.
“So, siguro nadagdagan lang yung dasal ko nu’ng araw na yun. Lagi naman akong sumasali, hindi naman ako laging nakukuha. Tapos sabi ko, ‘Ay, parang alam ko na maraming magtataas ng kilay,’ pero wala akong magagawa e, anong gagawin ko?
“Pag sila ba yung nasa same situation, anong reaction nila, di ba? Parang ako, gugustuhin ko ba na huwag na akong isama para ma-please ba sila? Sumali ako, sinuwerte, so okay lang kung ano yung iniisip ng iba,” paliwanag ng direktor sa nakaraang grand presscon ng kanilang pelikula.
Ano naman ang masasabi niya sa mga taong nagtaas ng kilay at nangnenega sa “OTLUM”? “Okay lang, maraming salamat pa rin. Kasi, ayoko nang magsalita dahil baka lagyan lang nila ng malisya. Basta masaya kaming lahat kasi pinalad kaming maging part ng MMFF this year.
“Siguro yung iba, baka hindi ito yung year nila, baka next year sila naman, kasi kami, lagi kaming sumasali pero lagi ring hindi napipili. So, baka time ko lang ngayon at mas gusto nila na magkaroon din ng horror sa filmfest para balance,” mensahe pa ni Direk Joven.
Nauna nang napabalita na mas pinaboran ng MMFF Selection Commitee ang “OTLUM” kesa sa entry ni Brillante Mendoza, kaya natanong si Direk Joven kung ano ang reaksyon niya na natalo niya si Brillante Mendoza? “Hindi naman kasi talaga tinalo. Kasi selection process parang paghandaan dapat iba-iba din ang putahe. Hindi tinalo, napakalaki na nang naiambag niya (Brillante) sa industriya.
“Ako naman ganito lang, chill-chill lang akong direktor, na every time may project masaya, nakakapagbigay ng trabaho,” sabi pa ni Direk Joven.
Isa sa mga bida ng pelikulang “OTLUM” ay ang heartthrob ng hardcourt na si Ricci Rivero na tinitilian ngayon ng mga kababaihan at kabekihan kaya marami ang nagsasabi na isa ang binata sa magdadala ng pelikula.
“First time niyang umarte. Kasi naisip namin na sa industriya kailangan mong mag-isip din ng bago. Kailangan mong sumabay kung ano ang trending, sino ba ang gusto ng mga tao ngayon? Sino ang in? So tiningnan namin yung basketball side.
“Nagulat nga kami dahil talagang ang dami pala niyang fans, lalo na sa socila media. Kahit sa mga mall shows namin, sumusunod ang supporters niya,” sabi pa ng direktor.
‘OTLUM’ kapalit ng ‘Shake, Rattle & Roll’ sa MMFF
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...