2 anchor sa Miss U 2018 kinuyog ng netizens, plastik daw

KINUYOG naman ng mga netizens ang dalawang anchor ng pageant na sina Carson Kressley at Lu Celania Sierra.
Halatang-halata raw kasi na ayaw ng mga ito sa bet ng Pilipinas na si Catriona Gray. Kung pinili ng plus size supermodel na si Ashley Graham si Catriona sa kanyang Top 3, ligwak naman ang dalaga kina Carson at Lu.
Galit na galit ang mga Pinoy sa dalawang host at tinawag pa silang plastik dahil nagawa pa nilang magpa-picture kay Catriona pagkatapos ng pageant.
Isa sa mga nagbanta sa dalawang anchor ay si John Lapus. Sa kanyang Facebook account, nanawagan si Sweet na birahin ang mga ito.

Read more...