Pasaway na TV host binigyan ng memo, palaging late sa pinagbibidahang show | Bandera

Pasaway na TV host binigyan ng memo, palaging late sa pinagbibidahang show

Cristy Fermin - December 18, 2018 - 12:15 AM

NAGKAINITAN pala nu’n ang isang pamosong TV personality at ang isang tagapamahala ng kanyang show. Hirap na hirap ang may posisyong staff dahil magsisimula na ang programa ay wala pa rin ang kanilang bida.
Panay-panay na ang tawag sa kanya ng buong staff, pero wala siyang sagot, sobrang daming text ang tinanggap niya pero hindi talaga siya nagre-reply.
“Dumating na sa point ang TV executive na hindi na niya makayanan ang mga pinaggagagawa ng main host nila, wala na siyang maisip na paraan para mag-report on time ang kanilang bida, kaya ipinarating na niya sa mga tagapamuno ng network ang problema nila sa show.
“May katigasan kasi ang ulo ng main host nila, alam niya namang kailangan niyang gumising nang maaga dahil maaga rin ang show nila, pero napakahilig pa rin niyang magpuyat.
“Yayayain niya ang mga kasamahan niyang becki, magba-bar hopping sila, hanggang sa mag-uumaga na ‘yun! So, ano pa ang matitirang energy sa kanya kung hanggang pumutok na ang araw, e, nasa nomohan pa rin siya?” unang chika ng aming source.
Malakas ang loob ng TV personality na gawin ang anumang magustuhan niya dahil alam niya na siya ang bida sa show, kapag wala siya ay malungkot ang kapaligiran, kailangan siya ng programa.
“Alam niya na walang panalo ang mga staff na nagrereklamo, alam niya na siya ang kakampihan ng mga bossing nila, dahil kailangang-kailangan nga siya ng show.
“Pero nitong huli, e, nasorpresa ang main host, nakatanggap siya ng memo, kailangan niyang mag-report sa show nang maaga. Pinayuhan din siyang mas bigyan ng importansiya ang career niya kesa sa kung anu-anong pinaggagagawa niya sa gabi.
“At sinabihan din siyang huwag masyadong naglalabas ng mga kuwento tungkol sa kanyang lovelife ngayon, tama nang sa kanya na lang ang mga ganu’ng istorya tungkol sa kanilang dalawa.
“Tama na muna ang mga vice sa gabi, may trabaho pa siya kinabukasan, kailangang bago magsimula ang show, e, nandu’n na siya!” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala na kayong upuan n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending