SINUSPINDE ng Palasyo ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Enero 2, 2019 bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Circular number 54 na nagdedeklara na wala pa ring pasok sa Enero 2, 2019 (Miyerkules) para sa mga kawani ng pamahalaan.
“In order to give employees of the government full opportunity to celebrate such holiday with their families and loved ones, work in government offices throughout the country, including government-owned or-controlled corporations, government financial institutons, state universities and colleges, local government units, and other agencies and instrumentalities, hereby suspended on 02 January 2019,” sabi ni Medialdea.
Iginiit naman ni Medialdea na nasa desisyon na ng mga pribadong tanggapan kung magdedeklara rin ng suspensyon ng pasok sa Enero 2, 2019.