Konting kembot na lang at maisusukbit na ang korona matapos makapasok sa top 5 nag Miss Universe 2018 ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.
Bago ito ay napabilang si Gray sa top 10 Top 10 sa ginaganap ngayong grand coronation night ng Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.
Bago ito isa-isang rumampa ang top 20 semi finalists na binigyan ng 15 seconds para sa kanilang opening speech. Dito, kailangan nilang i-explain kung ano ang nais nilang ibandera sa buong universe tungkol sa kanila.
Narito ang pahayag Catriona na tumutok sa future ng mga bata, “Working in some of the poorest areas of my country, I found that it was a lack of child support, not poverty that killed their dreams.
“A child once told me, ‘Cat, that’s just not my life and those dreams aren’t meant for me.’ But I stand here today because someone believed in me and we owe it to our children to believe in them.”
Ang iba pang pumasok sa Top 10 ay sina South Africa (Tamaryn Green), Vietnam (H’Hen Niê), Venezuela (Sthefany Gutiérrez), Costa Rica (Natalia Carvajal), Curacao (Akisha Albert), Nepal (Manita Devkota), Canada (Marta Stepien), Thailand (Sophida Kanchanarin) at Puerto Rico (Kiara Ortega).
Sakaling manalo si Gray, siya ang ika-apat na Pinay na makakapaguwi Miss Universe crown. Susunduin niya sina Pia Wurtzbach in 2015, Margie Moran in 1973, and Gloria Diaz in 1969.