Aljur, Kylie sa bahay lang nag-honeymoon; kailangang bantayan si Alas | Bandera

Aljur, Kylie sa bahay lang nag-honeymoon; kailangang bantayan si Alas

|December 17,2018
facebook
share this

Aljur, Kylie sa bahay lang nag-honeymoon; kailangang bantayan si Alas

- December 17, 2018 - 12:05 AM


KUNG si Aljur Abrenica ang masusunod, apat pa ang gusto niyang maging anak. Pero mukhang kaila-ngan pa rin niyang makipag-negotiate sa kanyang asawang si Kylie Padilla.

Sa panayam ng ABS-CBN, parang nasa Cloud 9 pa rin daw ang feeling ng hunk actor matapos ang kanilang intimate wedding ni Kylie last week. Dito ipinaliwanag din ni Aljur kung bakit naging biglaan ang kanilang wedding.

“The reason why, kasi this is the only time na mabubuo ang pamilya ni Kylie, kasama ang mga kapatid niya from Australia and her mom. Eto lang yung time na pwede so sabi ko, let’s go,” ani Aljur.

Halos three weeks lang ang na-ging preparasyon nina Aljur at Kylie sa kanilang kasal, “Nag-honeymoon na kami sa bahay lang. Nag-ayos kami ng bahay. We spent our time with our baby.

“Kasi these past two weeks hindi namin masyado nakasama ang anak namin, dahil nag-focus kami sa pagpe-prepare. Nag-prepare kami less than a month, na-settle lahat in less than two weeks. So medyo ang dami naming i-nayos,” pahayag pa ng aktor.

At nang tanungin nga kung balak pa nilang sundan ang anak na si Alas Joaquin, tugon ni Aljur, “Apat pa ang gusto ko. Kaso mukhang magne-negotiate pa kami ni Kylie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending