Tyra Banks bumilib din sa ‘slow mo twirl’ ni Catriona: Pinoy power to the max!

BUKOD sa mga Filipino artists, nakuha rin ni Catriona Gray ang atensyon ng mga international stars matapos rumampa sa 2018 Miss Universe preliminaries sa Bangkok, Thailand.

Isa na nga riyan ang supermodel at TV host na si Tyra Banks na hindi napigilang humanga sa makasaysayang lava at slow motion walk ng a-ting kandidata sa Miss U.

In fairness, hindi naging maramot si Tyra sa pagbibigay ng positive comment hindi lang kay Catriona kundi maging sa mga Filipino na all out ang ibinibigay na support sa international beauty pageant.

Marami nang na-witness na aspiring models si Tyra sa kanyang fashion reality search na America’s Next Top Model at ang makatanggap ng papuri mula sa kanya ay isa nang napakalaking achievement.

Last Saturday, nag-react nga si Tyra Bank nang mapanood ang “slow-mo twirl” ni Catriona during the Miss Universe pre-pageant’s swimsuit and evening gown competition.

May nag-tag sa kanya ng video clip na may caption na, “She squeezed every second of that walk and that spotted spin, @tyrabanks will be proud!!!”

Sagot naman ng supermodel, “I mean . . . Pinoy Power to the Max!!!”

Siyempre, na-shock din si Catriona sa reaksyon ni Trya kaya proud niyang ipinost sa kanyang Instagram Stories ang tweet ng supermodel.

Samantala, sinagot din ng dalaga ang ilang bashers na hindi confident na maiuuwi niya ang Miss U crown. Sa video na in-upload sa Facebook ni Jonell Damuy, may mensahe si Catriona sa mga nambu-bully sa kanya online.

Aniya, “God bless lang. I never take their comments to heart because they have never met me. They don’t know me as a person, so why would I take their judgment as something to define who I am and how I feel about myself?”

Read more...