Toni walang pinirmahang prenup bago ikasal kay Paul

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

“PART na ng marriage ‘yung may mga conflict and arguments but if this will be like turning point of our marriage or break our marriage parang hindi strong ‘yung foundation ng marriage namin kung dito masisira.”

Ito ang simulang sagot ni Toni Gonzaga nang matanong ng entertainment reporters tungkol sa pagsabak niya sa pagpo-produce pagkatapos ng presscon ng pelikulang “Mary Marry Me” na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival mula sa Ten17 at TINCAN Productions, sa direksyon ni RC delos Reyes.

“Parang I don’t think naman that (mangyayari) by God’s grace, parang hindi naman siguro ganu’n,” dagdag pa ng misis ni Paul Soriano na siyang may-ari ng TINCAN Productions.

Baka raw kasi magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ni Direk Paul ngayong pinasok na niya ang pagpo-produce ng pelikula na kasama ang savings nilang mag-asawa,bukod pa sa share ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.

Sa katunayan, si direk Paul pa nga raw ang nangulit kay Toni na mag-produce na kaya isinilang ang TINCAN, “If something that scares you, you should do it more because you will never learn if you never try,” ang sabi raw ni direk Paul sa kanya.

Kumusta naman ang unang sabak niya sa pagpo-produce? “Ang hirap pala. Akala natin madali lang. Ngayon ko napi-feel ‘yung napi-feel ng mga direktor na pagtatrabahuan mo ng ilang buwan tapos pag napanood ng tao, iba-bash lang nila parang ganu’n-ganu’n lang.

“Hindi nila alam ‘yung puyat, pagod dugo’t pawis na pinagdaanan. Tapos pag nag-bash sila about a certain film, parang, ‘alam n’yo ba ‘yung mga pinagpuyatan namin?’ Kaya ngayon napi-feel ko na. Kaya pala sensitive ‘yung ibang direktor at very critical sa film nila kasi nandoon sila from the very beginning.

“20 years na ako sa industriya kaya sanay na sanay na akong ma-bash. Siguro masakit din ng konti but I will always take everything in a constructive way to help me grow,” ani Toni.

Malaki ang itinaya ng magkapatid na Toni at Alex sa “Mary Marry Me” kaya sana raw ay kumita sila, pero kung hindi naman ay hindi nangangahulungang hindi na sila uulit.

“Yes, hindi naman dapat tumigil kapag bumagsak ka na sa isang bagay kasi hindi ka matututo. I think, one best asset ng mga winners is they’re not quitters. The winners in life are the one ones who never quit.

“And I experienced that sa journey ng career ko. Kung nag-quit na agad ako, hindi ko mae-experience ‘yung magagandang bagay na nakalaan para sa akin. So, just because you did not make it on the first try, doesn’t mean you won’t make it on the se-cond, third and fourth for as long as you keep trying,” paliwanag ng director’s wife.

Sa tanong kung bakit hands-off si direk Paul sa “Mary Marry Me”, “Kasi ayaw niya. Binigyan niya ako ng creative license o freedom. Sabi niya kasi, ‘since this is your production company, bibigyan kita ng freedom to explose and do your own creativity and express the way you want to express it so whatever the result, you will learn from it.”

Bahagyang nabanggit din ni Toni na noon pa ay naisip na niya ang konsepto ng “Mary Marry Me” dahil nga pangarap niyang magkatrabaho sila ni Alex, “It’s been at the back of my head na i-try kasi I have so many concepts na pini-pitch ko for Star Cinema, then na-approve ‘yung iba. So hopefully, matuloy. Under Star Cinema pa rin naman ako, so puwedeng co-prod with TINCAN,” sabi pa ng aktres.

Samantala, laging natatanong kay Toni kung nagkaroon ba sila ng pre-nuptial agreement ni direk Paul dahil malaki na rin ang kinita niya simula nang mag-artista siya. Ang lagi rin niyang sagot ay, “Wala kaming pre-nup.”

Nang ikasal daw sila ni direk Paul three years ago ay pareho pa lang silang nagsisimula, “Lahat kasi ng kinita ko nu’ng dalaga ako, iniwan ko lahat kay mommy (Pinty) kaya wala ring ipi-prenup kasi iniwan ko sa kanila. Binigay ko sa kanila lahat kasi feeling ko lahat ng pinagtrabahuan ko para sa kanila, deserved nila ‘yun.

“Meron naman akong savings, pero major of my earnings and investments, i-binigay ko sa mommy ko Sabi rin naman kasi ng mommy at daddy, ‘wag kang mag-alala, sa inyo rin mapupunta.’ Sabi ko naman, ‘e, basta i-enjoy n’yo pa rin ‘yan,” Kuwento pa ni Toni.

Anyway, mapapanood na ang “Mary Marry Me” sa Dis. 25. Kasama rin dito sina Sam Milby, Melai Cantiveros, Bayani Agbayani at Moi Bien.

Read more...