P150M inilaan para sa Boracay next year

MAY nakalaang P150 milyong pondo ang gobyerno para sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Boracay island sa unang bahagi ng reenacted budget para sa 2019, ayon kay Buhay Rep. Lito Atienza.

“The fresh funding is a go, even if the government temporarily runs on a reenacted budget next year,” ani Atienza.

Kasama sa gagastusan ng pondo ang pagkakaroon ng Boracay Island Critical Habitat, operasyon ng Boracay Water Quality Management Area, landfills at materials recovery facilities, patuloy na monitoring ng kalidad ng tubig at hangin sa lugar at pag-aaral sa environmental pollution.

“The designated Boracay Island Critical Habitat covers some 750 hectares of forestland and coastal marine areas,” ani Atienza. “The demarcated critical habitat is mainly in Barangays Balabag and Yapak, where the flying foxes are concentrated.”

Mayroong tatlong barangay sa isla—Balabag, Yapak at Manoc-Manoc, na bahagi ng bayan ng Malay.

“In the case of marine turtles, they may not produce offspring if their natural habitat gets disturbed by too many people around,” ani Atienza na tinukoy ang kahalagahan na mapangalagaan ang isla. “In the past, unchecked diving and snorkeling spoiled the island’s natural underwater habitat.”

Muling binuksan ang Boracay noong Oktobre matapos itong isara ng anim na buwan.

Read more...