Solon hindi na dapat sumakay sa isyu ng Balangiga Bells | Bandera

Solon hindi na dapat sumakay sa isyu ng Balangiga Bells

Bella Cariaso |December 16,2018
facebook
share this

Solon hindi na dapat sumakay sa isyu ng Balangiga Bells

Bella Cariaso - December 16, 2018 - 12:10 AM

HINDI na dapat sumakay ang mga mambabatas sa isyu ng Balangiga Bells ngayong pormal nang naibalik ang mga ito sa Balangiga, Eastern Samar kung saan sila kinuha ng mga Amerikano mahigit 100 taon na ang nakakaraan.

Ito’y sa harap naman ng resolusyon na inihain ni Sen. Juan Miguel Zubiri na nagsusulong na mailagay ang isa sa tatlong Balangiga Bells sa museo.

Mariin namang tinutulan ng Simbahan, partikular ng Diocese of Borongan ang panukala ni Zubiri.

Sinabi ng mga lider ng Simbahan na tanda ng kawalan ng paggalang kung mahihiwalay muli ang isa sa tatlong kampana.

Nais kasi ni Zubiri na ma-idisplay ang isa sa tatlong kampana sa National Museum.

Tinawag naman ni Zubiri na pagiging arogante ang naging pahayag ng Diocese ng Borongan.

Bagamat pakiramdam ni Zubiri na arogante ang pagtanggi ng Simbahan sa kanyang panukala, dapat ay wag nang pakialaman ng mga politiko ang isyu hinggil sa Balangiga bells.

Totoo namang napakalaki ng naging kontribusyon ni Pangulong Duterte para maibalik na sa bansa ang mga Balangiga Bells pero hindi ito dapat pang haluan ng pulitika at hayaan nang i-enjoy ng mga residente ng Balangiga ang pagbabalik ng mga kampana sa kanila.

Makakatulong pa ito na isulong ang turismo ng lalawigan ng Eastern Samar.

Napakaraming dapat unahin ng mga mambabatas kesa sumawsaw pa sa isyu.

Kaaway na ni Duterte ang Simbahan, gugustuhin pa kaya ni Zubiri na lumalala pa ang sitwasyon dahil sa kanyang panukala?

Bat di na lang unahin ng mga mambabatas na magawan ng paraan ang muling epekto ng ikalawang bugso ng excise tax sa fuel oil na nakatakda sa 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiyak na muling pahirap lalo ito sa mga mamamayan pagpasok ng bagong taon. Sino ba kasi nagpanukala ng excise tax? Dapat ay mapanagot ng mga botante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending