‘Hindi kami naaawa kay Mystica, dapat na siyang magpagamot…’

MYSTICA

Sa nangyayari ngayon kay Mystica, nagkakaisa ang sambayanan na higit ngang kailangan nito ang medical help dahil kahit ang gaya ni Raffy Tulfo na nakatulong sa kanya ay nais pa pala nitong idemanda?

Sa mga napanood naming clips ng naging reklamo nito sa umano’y nambaboy sa kanya sa social media kaya siya nagpatulong sa programa ni Raffy Tulfo, iisa ang nakikita naming isyu – gumagawa lang si Mystica ng isyu.

Talagang nagpapapansin lang ang singer at sukdulan mang gamitin na niya ang lahat para mapansin, gagawin na niya ultimo ang ibenta ang kanyang kaluluwa.

Nakakaloka, pero wala kaming maramdamang awa sa babaeng ito, maliban sa pakikiisa sa konklusyon na isang eksperto sa medical nitong kundisyon sa pag-iisip o damdamin ang makakatulong sa kanya.

Hindi man siya nagpositibo sa drugs, paniguradong sa estado ng kanyang pag-iisip at emosyon, positobong matindi ang kanyang pinagdaraanan beyond normal! Sana nga, magpa-check up na siya.

Read more...