Horoscope, December 16, 2018

By Madam Sophia December 16,2018
share this

Horoscope, December 16, 2018

By Madam Sophia December 16,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nalalapit ang Kapaskuhan, ang suwerteng darating ay hindi mo na maiiwasan pa. Susunod sa iyo ito ng susunod kahit saan ka magpunta, kaya naman tuloy-tuloy na darating ang malaking halaga ng salapi at habang ito ay iyong ipinamamahagi, lalo pa itong madaragdagan ng madaragdagan. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 3, 15, 24, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ipilit ng ipilit ang gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang hina ng loob. Kumilos ka na ngayon upang umunlad at patuloy na lumigaya. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mag-ingat sa mga kaibigang nagbabait-baitan, mauutangan ka na naman! Isaalang-alang ang ganitong katanungan: “Bakit ko sila pauutangin kung alam mo namang hindi sila marunong magsipagbayad?” Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Maroon at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ituring mong ito na ang huling araw! Kapag ganyan ang laging laman ng iyong isipan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jiva-Gosvami-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Panahon na upang magpundar ng sariling negosyo, isaalang-alang ang mga produktong pampasko. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Bilis ang dapat! Sunggab agad ang dapat kapag may nagpaagaw ng pera sa Christmas Party. Sa pag-ibig, mabilis na dahan-dahan ang susi upang makamit ang ganap na ligaya. Mapalad ang 5, 10, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Dosya-Om.” Lilac at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw tuluyan na siyang manlalamig. Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Purple at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Isang kasama ang tatanggap ng malaking halaga, may balato kang matatanggap. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong mag-Christmas party kayong dalawa sa isang tahimik at malamig na lugar. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahmeh-Om.” Orange at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Paghandaan ang nalalapit na kapaskuhan, pero dapat iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano nyo na ng iyong pamilya kung paano nyo ise-celebrate ang Christmas. Mapalad ang 6, 15, 21, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Brahma-Namah-Om.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag kainggitan ang mga kaibigang umuunlad. Kung aalisin lang ang yabang sa katawan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, minsan hindi masamang sundin ang suwestyong ng kasuyong kuripot. Mapalad ang 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhavantu-Madhu-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Manahimik ka lang sa bawat malalaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, may mga nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit isang naka-berde, ang magbibigay ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 31, 41 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa berde mapalad ang pink.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Matamlay ka ngayon, kasi papalapit na ang Pasko samantalang zero pa rin ang love life. Para magkaroon ng kasuyo buuin ang Simbang Gabi. Sa pinansyal, red ang kulay na hihigop ng positibong kapalaran may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang yellow.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad ng kumilos. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil mo na ang pagpapatansya ng isang masaya at panghabang buhay na relasyon. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” White at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending