Loveteam nina Lito at Angel sa ‘Ang Probinsyano’ bentang-benta; may mala-‘Glorious’ bang eksena? | Bandera

Loveteam nina Lito at Angel sa ‘Ang Probinsyano’ bentang-benta; may mala-‘Glorious’ bang eksena?

Reggee Bonoan |December 16,2018
facebook
share this

Loveteam nina Lito at Angel sa ‘Ang Probinsyano’ bentang-benta; may mala-‘Glorious’ bang eksena?

Reggee Bonoan - December 16, 2018 - 12:05 AM

ANGEL AQUINO AT LITO LAPID

ALIW ang umeereng kuwento ngayon ng FPJ’s Ang Probinsyano. Sinagot na kasi ni Angel Aquino bilang si Gen. Diana si Pinuno Roman na ginagampanan ni Lito Lapid.

Kaya pala kalat na kalat na ngayon sa social media ang balitang, “Breaking News: Si Pinuno hindi na single ngayong Pasko, na Glorious na.”

Kaya pala may post din si Tony Labrusca na leading man ni Angel sa kontrobersyal na pelikulang “Glorious” na kumakanta ng “Umuwi Ka Na Baby.”

So, naglu-lumabtim na rin ang kuwento ng Ang Probinsyano dahil bukod kina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman) ay aabangan na rin ang tambalang Pinuno at General, idagdag pa ang pagbabalikan ng ex-couple na sina John Prats at Bianca Manalo sa kuwento ng FPJAP.

Iba rin talaga ang kamandag ni Angel dahil kung gumawa ng ingay at kontrobersya ang loveteam nila ni ng hunk actor na si Tony ay pinag-uusapan na rin ang tambalan nila ni Lito Lapid.

At heto na bossing Ervin, simula nang kumalat ang tsikang pinalakpakan at hiniyawan nang husto sina Tony at Angel sa nakaraang “Family Is Love” 2018 ABS-CBN Christmas concert ay kasama na kami sa nagtatanong kung may follow-up na ba ang “Glorious” movie ng dalawa.

Dapat sigurong gumawa na agad ng follow-up project ang Dreamscape Entertainment para sa dalawa. Base sa ending ng “Glorious” ay nagkaanak nga sina Tony at Angel kaya posible talagang magkaroon ito ng sequel.

Going back to FPJ’s Ang Probinsyano, may mga nagtatanong kung gagawin din ba ni Lito Lapid ang ginawa ni Tony kay Angel sa “Glorious”? Ha-hahaha! ‘Yan ang aabangan natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending