Horoscope, December 15, 2018 | Bandera

Horoscope, December 15, 2018

Madam Sophia |December 15,2018
facebook
share this

Horoscope, December 15, 2018

Madam Sophia - December 15, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simbang Gabi na! Piliting mabuo ang Simbang Gabi at mag-wish ng mga bagay na nais mong matupad. Kapag nabuo mo ang Simbang Gabi, tuloy-tuloy na darating ang magandang kapalaran at ang suwerte na bubuhos hanggang sa susunod na taong 2019. Mapalad ang 3, 18, 27, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagpapakumbaba, lalong dadami ang mga biyaya. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang kapaskuhan, ngayon pa lang iplano na ang romantikong pakikipag-date sa kasuyong Leo. Mapalad ang 9, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Adhenan-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ihanda at plantsahin na ang mga damit na isusuot sa Simbang Gabi at ihanda na rin ang Christmas wish. Buuin ang Simbang Gabi ng walang absent at walang late. Kapag nagawa mo yan, anumang ang hilingin mo sa 2019, tiyak na matutupad at mangyayari. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasya-Om.” Red at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Silver ang metal na magbibigay ng suwerte. Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan magsabit ng silver bells sa harap ng bahay, upang tuluyang bumuhos ang biyaya at magandang kapalaran. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Bukod sa silver ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa kagustuhan mo ang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Maroon at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa araw na ito may darating na malaking halaga ng salapi! Wag ubusin kaagad, mag-savings upang may maipang handa sa darating na Noche Buena at Media Noche. Sa pag-ibig, paglaanan ng pera ang palahinging kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan iwasang makipag-landian, may babala ng pagtataksil. Habang lumalamig ang simoy ng hangin manatiling tapat sa kasuyong Taurus. Sa panansiyal, ngayon pa lang maglaan ng sapat na pera para sa masarap na Noche Buena. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Om.” Maroon at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa paskong darating wag masyadong mayabang. Siguraduhin mura lang pero maganda ang mga pang-regalong bibilin. Sa pag-ibig, kung hindi ka kayang regaluhan ng mamahaling cell phone ng kasuyo, siya ang regaluhan mo. Sa ganyang paraan pareho kayong susuwertehin. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Om.” Orange at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Water ang ruling element ng Scorpio. May babala ng karamdaman, upang maiwasang magkasakit laging kumain ng pagkaing nakukuha sa tubig. Ang mga pagkaing galing sa tubig, ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Avayara-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Unang araw ngayon ng Simbang Gabi. Magiging maganda ang buong kapaskuhan at ang susunod na taong 2019 kung magsusuot ng damit na kulay pula o kaya’y lilac. Sa nasabing kulay, madadagdagan ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang relasyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 32, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.”
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ngayong papalapit na ang pasko mas masarap ang feeling kung lagi kang nakangiti sa halip na nakasimangot. Haluan ng saya ang pakikipag-transaksyon upang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, patawanin ang kasuyo, sayawan siya ng Jingle bells. Mapalad ang 4, 10, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om.” Pink at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Ipanatag ang puso kahit na malayo sa minamahal. Puwede naman kayong mag usap sa internet. Sa pag-ibig, wag ng maghanap ng iba, the best pa rin ang kasuyong nasa ibang bansa. Mapalad ang 6, 9, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Absence makes the heart grow fonder.” Pink at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 9, 15, 27, 32, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Nameh-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending