Ricci Rivero umaming solid KathNiel fan: Napanood ko talaga lahat ng movies nila


FAN ng local movies ang UP varsity player na si Ricci Rivero kaya naman nang kunin siyang isa sa lead actors ng horror movie na “Otlum” na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival 2018, tinanggap niya ito bago sumabak sa collegiate league next year.

“Nanonood talaga ako ng mga Pinoy movies. And fan ako ng KathNiel loveteam at lahat ng movies nila ay pinanood ko.

“I transferred to UP from La Salle and I can’t play after a year, so wala akong gagawin. That’s the time na naging open ako sa mga offer. Gusto ko rin ng something new. Siyempre sa mga age kong ito, gusto mo mag-discover ng ibang things.

“So that’s the time na, ‘Why not give it a try?” pahayag ni Ricci sa grand mediacon ng “Otlum” na idinirek ni Joven Tan.

Bilang baguhan, pinakikinggan ni Ricci ang advice ng co-stars niya sa movie tulad nina Jerome Ponce at Kiray Celis. Teka, mabuti naman at hindi siya hinaras-haras ni Kiray habang nagsu-shooting?

“Hindi pa naman po! Ha! Ha! Ha!” tugon ng batang basketbolista mula sa Isabela.

Introducing din sa movie ang binatang anak nina Santa Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez at aktres na si Sheila Israel, si Dancel Fernandez.

Read more...