Mystica niresbakan ng fans ni Tulfo; wala raw utang na loob, sinungaling


MAY plano na naman palang lapitan ngayon si Mystica para pagsumbungan ng kanyang problema.

Meron na naman siyang gustong hingan ng payo ngayon na pagkatapos lang nang ilang oras ay ilalaglag din niya sa social media.

Ganu’ng-ganu’n ang ginawa niya sa matapang na broadcaster na si Raffy Tulfo. Inasikaso siyang mabuti ng staff ng “Wanted Sa Radyo,” binigyan siya nang sapat na oras para mailahad ang kanyang problema tungkol sa mga bloggers na nangyuyurak daw sa kanyang pagkatao, pero hindi pa siya nangangawit sa pagtayo sa upuan ng programa ay inupakan niya na agad si Kuya Raffy.

Siya ang binalikan ng mga tagahanga ng programa, inupakan siya mula ulo hanggang talampakan, tinawag siyang walang utang na loob at sinungaling.

Kung ganyan nang ganyan ang gagawin ni Mystica ay wala nang magtitiwala sa kanya. Pagtatawanan na lang ng mga kababayan natin ang kanyang mga ginagawa at pinagsasasabi.

Gagawin na lang siyang isang malaking komedya, wala nang maniniwala sa kanyang mga reklamo, dahil pagkatapos niyang makuha ang inaasinta niyang atensiyon ay ang tao pa mismong tumulong sa kanya ang gagantihan niya nang wala sa hulog.

Nagkakaroling ng trabaho ang pabuka-bukakang performer. Nananawagan siya sa mga personalidad na may kapangyarihang maisaksak siya sa mga programang pinamamahalaan ng mga ito.

Dininig ng Ang Probinsyano ang kanyang panawagan, binigyan siya ng role, pero nagrereklamo pa siya ngayon dahil napakaaga raw niyang pinatay sa matagumpay na serye.

Ilusyunada!

Read more...