Catriona sa madlang pipol: Laban tayo!


PROUD na proud ang madlang pipol sa naging performance ni Catriona Gray sa ginanap na preliminary competition ng Miss Universe 2018 sa IMPACT Arena sa Bangkok, Thailand.

Grabe ang ingay na ginawa ng dalaga sa ginawa niyang pagrampa sa swimsuit at evening gown competition kung saan niya pinauso ang “lava-slow motion na pag-ikot.

Kahapon, nag-post ang bet ng Pilipinas sa kanyang Facebook account ng kanyang nararamdaman matapos ang pre-pageant at sa matinding suporta sa suportang ibinigay sa kanya ng mga Pilipino.

“How I’m feeling after last night’s Miss Universe Preliminary swimsuit and evening gown round. Philippines, it brings me so much joy to carry you across my heart. Laban tayo!!!” chika ng dalaga.

Umaasa ang lahat ng supporters ni Catriona all over the world (rather the universe) na siya na ang magiging ikaapat na Miss U ng Pilipinas.

Gaganapin ang grand coronation night para sa Miss Universe 2018 sa Dec. 17 sa Bangkok, Thailand.

Read more...