MANGANGAILANGAN ng mahigit aa 1,000 trabaho sa bansang Israel
Partikular na may malaking pangangailangan sa hotel industry.
Ito, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ay kasunod na rin nang paglagda ng Pilipinas at ng Israel ng isang memorandum of agreement (MOA), para gawing pormal ang government-to-government partnership para sa deployment ng mga Filipino hotel worker sa nasabing bansa.
Mas gusto umano ng Israel ang mga Pinoy dahil subok na ang sipag nito gaya ng ipinakitang kasipagan ng mga caregivers
Inaatasan naman ang ang Philippine OverseasEmployment Administration (POEA) para ipasilidad ang deployment sa mga OFWs sa Israel.
Nabatid na ang mga kuwalipikadong aplikante ay makakaasa ng basic salary ng hanggang $1,200, habang ang average existing wage naman ng mga caregiver ay nasa $1,350.
Habang ang ibang employer naman ay nagbibigay ng mas malaking sweldo at may 40 day vacation pa
“Ang naturang kasunduan ay experimental implementation lamang dahil plano ng Israel na dagdagan pa ang bilang ng mga job opportunities na bubuksan nila para sa mga Pinoy upang masustentuhan ang kanilang lumalagong industriya ng turismo.
Bukod sa Israel, ang iba pang bansa tulad ng Russia, China,Malta, Germany, at Japan, ay nagpahayag
na rin umano ng interes na kumuha ngmga manggagawang Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.