2 kilalang celeb naghiwalay dahil sa pakikialam ng pamilya ni aktor | Bandera

2 kilalang celeb naghiwalay dahil sa pakikialam ng pamilya ni aktor

Reggee Bonoan |December 15,2018
facebook
share this

2 kilalang celeb naghiwalay dahil sa pakikialam ng pamilya ni aktor

Reggee Bonoan - December 15, 2018 - 12:15 AM


MAY duda na kami kung bakit hindi nagtagal ang magandang relasyon ng isang aktor at kilalang aktres na nagkasama sa isang teleserye. Mukhang hindi nga boto ang kampo ng binata sa dalaga.

Matatandaang naging laman ng mga pahayagan at social media ang dalawang kilalang celebrity na noo’y nagkakagustuhan na at baka nga nagkaroon na sila ng relasyon na hindi lang inamin sa publiko dahil sa kanilang respective careers.

Botong-boto ang kampo ng aktres sa aktor at sa katunayan ay hinahayaan na silang lumabas nang sila lang at walang “bodyguard”.

Pero nitong mga huling araw ay kapansin-pansing naglaho na ang magandang pagtitinginan nina aktor at aktres bagay na ipinagtaka ng lahat, lalo na ng kanilang supporters nila na botong-boto rin sa kanilang relasyon.

Isa kami sa nangungulit noon sa aktor kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni aktres pero puro ngiti lang ang isinasagot niya sa amin.

Hanggang sa nakatsikahan namin ang kampo ng aktor at nabanggit na, “Bagay ba sila? Sa tingin mo magkakatulungan sila sa career?”

Sabi namin, hindi pa established si aktres samantalang si aktor ay okay na ang career at marami ring puwedeng i-partner pa sa kanya.

“Oo nga, eh,” tanging sagot sa amin ng aming kausap.

Ang ending, parehong hindi na nagkikita at nagkakausap ang dating magkatambal dahil siguro busy na aktor sa dami ng kanyang projects? Si aktres naman ay abala sa pagsagot ng mga isyu niya sa social media. At least may pinagkakabisihan din siya, huh!

Siguro kailangan ni aktres ng solong programa na siya mismo ang aangat at hindi ‘yung napapansin lang siya dahil sa kaparehang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending