STEP aside, Bakwit Boys…make way for “Akwit Boys”!
Sinu-sino ba kasi sila? Nauna nang na-off the hook on tax charges si Mikee Arroyo, buena manong pagpapakitang-gilas yata ng newly appointed Chief Justice ng Supreme Court.
Kayo na talaga, Arroyo family! Kayo na talaga ang noo’y dawit sa katiwalian, pero nakabalik sa puwesto.
And such is the case of its matriarch na House Speaker ngayon na nagsusulong ng federal form of government na isa sila sa mga pangunahing makikinabang.
Mikee is one of the two “Akwit Boys,” obvious ba?
Then comes the second and most recent on the list na mukhang madaragdagan pa, si dating Sen. Bong Revilla na pinawalang-sala sa kasong plunder o pandarambong sa desisyong ibinaba nitong Dec. 7 ng Sandiganbayan sa botong 3-2.
Marami ang nagalak, nagbunyi, nagselebreyt dahil sa wakas, after more than four years in his detention cell ay laya na si Bong. But while scores were jubilant, teka naman din muna, marami rin ang nadismaya. Sa dalawang magkasalungat na reaksiyon ay nauunawaan namin.
But save for a few pertinent questions na nahawa na rin kami sa paghahanap ng kasagutan. Hindi pala guilty si Bong sa mahigit P224 milyong umano’y involvement niya sa maanomalyang pork barrel, why make him pay more than P120 million to the national treasury bilang civil liability?
Eh, ang premise: hindi nga po nagnakaw si Bong. Anong ibabayad niya, aber?
Parang nagugulumihanan din kami sa naging kapalaran ni Atty. Richard Cambe, ang chief of staff ni Bong—who along with Janet Napoles—ay reclusion perpetua ang iginawad na hatol.
Tauhan lang ‘yon ni Bong na siyang amo, ibig mong sabihin, under Bong’s nose ay hindi niya alam ang pinaggagagawa ng tauhan mo?
Talaga lang, ha? Okay, fine, granting for the sake of argument ay meron ngang ganu’n sa totoong buhay, this recent development in the plunder cases involving revered public officials—isama na ang pitong graft cases ni Imelda Marcos na hinihintay pa rin ng mga rehas na pagkukulungan niya—tells so much kunganong uri ng gobyerno meron tayo.
Ano nga ba? Kleptocracy nga ba ang tawag du’n? “’Di ba, ang prefix na ‘klepto,’ eh, para lang sa malilikotang kamay?” “Diretsuhin mo na kasi, gumagamit ka pa ng figure of speech!” “Para sa mga magnanakaw, o, ayan, masaya ka na?”
Excuse me, silang mga nangulimbat lang ang masaya habang marami sa mga Pinoy ang naghihirap!