Rebound boyfriend | Bandera

Rebound boyfriend

Beth Viaje |December 14,2018
facebook
share this

Rebound boyfriend

Beth Viaje - December 14, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Matagal ko na po crush ang officemate ko. Di ko lang mapormahan, kasi ang BF niya ay ka officemate din namin.

Ang balita, nakipag-break na siya sa BF niya. Tama bang ligawan ko na siya ngayon? Baka ito na kasi ang tamang timing and opportunity para masabi ko sa kanya na gusto ko siya.

Ang kaso, ka-officemate ko nga ‘yung ex niya at mukhang magiging awkward sa aming tatlo kung magkaroon man kami ng future ng babaeng gusto kong ligawan. Ano bang tamang gawin?

Joseph, 28, Paranaque

Yeah sure, ligawan mo agad yung babaeng kaka-break lang sa boyfriend nya. Yung habang mahina siya, vulnerable at nursing a broken heart, samantalahin mo! Kasi pag natauhan ‘yan baka i-break ka rin!

Don’t be a rebound boyfriend!

Nowhere in your letter na sinabi mong alam mo ang dahilan ng break up nila or that kung okay na sya at naka-move on na. Siyempre tungkol sa iyo to at sa awkwardness ninyo ng oficemate n’yo.

Tsong naman, maging considerate ka naman sa feelings ni girl. Wag agad-agad siluin at ikulong sa isa na namang relasyon na naman. I’m not saying you’re not a good person, siguro nga in-love ka lang talaga kay girl kaya ganyan.

Pero konting respeto at space muna kay ate girl. Try mo munang maging officemate sa kanya. Then maging friend, kahit pa may ulterior motive ka, hehehe.

Hayaan mo muna syang maka-move on at makatayo ulit. Baka naman siya ang may kasalanan ng break up, di ba? Baka naman napagod na siya sa relasyon nila and woud like to be single for a while. Mga ganung eklavu, gets mo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For the meantime, si lalaking officemate, casual lang ang pakikisama. I’m sure after a while, dedma na rin kung sino man ng maging BF ni ate girl. And if not, oh well, his opinion doesn’t count anymore regarding sa relasyon ni ate girl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending