Tony sa nanuntok na security guard: Ginawa niya lang yung trabaho niya!

TONY LABRUSCA

MULING napatunayan ang tindi ng appeal ng hunk actor na si Tony Labrusca nang mag-perform siya sa taping ng “Family Is Love” 2018 ABS-CBN Christmas concert na ginanap sa Araneta Coliseum early this week.

Grabe ang lakas ng sigawan at palakpakan ng audience na may kasama pang padayakan nang pumagitna na sa stage ang binata. Talagang nagkagulo na ang mga fans nang makita na nila ang aktor.

Patunay lang ito na talagang made na made na si Tony na siyang kinababaliwan ngayon ng mga girls, gays at pati ng ng mga matrona matapos ngang ipalabas ang kontrobersyal na digital film nila ni Angel Aquino na “Glorious”.

Sa panayam naman ng ABS-CBN sa aktor, sinabi nitong wala na siyang planong ireklamo ang security guard na aksidenteng nakasapak sa kanya matapos ang ginawang mall tour sa Tanuan, Batangas.

Ayon sa binata, ginawa lang ng gwardiya ang kanyang trabaho para protektahan siya dahil nagkagulo na nga ang mga tao sa venue ng show.

“The guard was just trying to do his job and it happens in life sometimes people makes mistakes. But it’s okay I don’t get mad or anything of that,” sabi ni Tony.

Dugtong pa niya, “I’m totally okay, I promise you. I actually didn’t even want to make a statement because there are so many important things in life that people need to be concerned about. I’m so happy that people are so thoughtful and thinking about me, pero I’m really okay.”

Hirit pa ni Tony, “To be honest, sa gulo, I didn’t even feel that punch. It really didn’t really hurt that much.”

Read more...