‘Aquaman’ pamilya na ang turing sa mga Pinoy

JASON MOMOA

“Family” na rin ang turing ng Hollywood star na si Jason Momoa sa kanyang mga Filipino fans. Ito ang kanyang naging pahayag sa presscon ng bago niyang pelikula, ang DC movie na “Aquaman”.

Bumisita si Jason sa bansa kasama ang co-star niya sa “Aquaman” na si Amber Heard at direktor nilang si James Wan, para sa promo ng kanilang pelikula. Ginanap ang kanilang mediacon sa SM Mall of Asia recently.

Nauna nang sumikat sa mga Pinoy si Jason dahil sa kanyang character sa international series na Game of Thrones bilang si Khal Drogo.

“As far as I’m concerned, the Philippines is like the 10th island of Hawaii. There are more Filipinos in Hawaii than Hawaiians! We’re kinda basically family! So I feel like it’s an honor for me to be here,” pahayag ng Hollywood actor.

Read more...