Horoscope, December 13, 2018 | Bandera

Horoscope, December 13, 2018

Madam Sophia |December 13,2018
facebook
share this

Horoscope, December 13, 2018

Madam Sophia - December 13, 2018 - 01:57 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Makuntento sa kasalukuyang buhay. Mas madaling liligaya kung hindi na hahangarin pa ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa maghanap ng iba, painitin ang kasuyong nanlalamig–patikimin siya ng mainit na sabaw. Mapalad ang 1, 7, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makakaipon ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag buntot nang buntot sa kasuyo, kailangang mag-isip ng sarili mong diskarte at pagkakaperahan. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam-Om.” Blue at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Iplano nang mas maaga ang nalalapit na Kapaskuhan. Mas makatitipid kung ngayon pa lang ihahanda na ang regalo para sa Pasko. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mamili ng mga mumurahing bilihin sa tiangge upang makatipid. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tam-Kale-Varam-Om.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag ipagkait ang tulong sa iba! Kung lagi kang tumutulong nang walang kapalit lalo kang pagpapalain ni Lord at magkakaroon ng wagas na ligaya. Sa pag-ibig, may masarap na romansang naghihintay mamayang gabi. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 5, 14, 22, 37, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Gray at beige ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Bigyan ng sapat na oras ang pamilya. Hindi masamang magpayaman kaya lang dapat mo ring dulutan ng sapat na panahon ang minamahal. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung mawawasak naman ang iyong love life? Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat nang todo ang kinikita. Sa pag-ibig, huwag kang kabahan, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Sa bandang huli ay sa iyo ang huling halakhak. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Tiyak na ang tagumpay! Sa mga panahong ito, tuloy ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magseselyo ng maghapon. Mapalad ang 6, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Panalangin ang susi upang magtagumpay! Magdaos ng isang prayer meeting sa business site upang umangat ang kinikita. Sa pag-ibig, imbes na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang banal na lugar. Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Dosya-Om.” Maroon at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang magdesisyon nang nakabatay sa damdamin! Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, kahit na may konting pagtatalusira na naramdaman, hindi dapat malungkot dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40, at 44. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Blue at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pagiging happy, ang masamang karamdaman ay lilipas. Sa pinansiyal, lalo pang magtipid upang kapag may emergency na pagkakagastusan ay may madudukot ka. Sa pag-ibig, romansa ang pinaka-epektibong pampalakas ng immune system. Mapalada ng 5, 8, 18, 27, 30, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Raga-Vaana.” Blue at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kikita ng mas maraming halaga kung tatapusin agad ang mga proyektong nakabinbin. Sa pag-ibig, pahinga muna sa romansa, mas kailangang pahalagahan ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 26, 34, at 40. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala.” Gray at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung paiiralin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Wag maging isip-bata. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Iwasang maubos ang oras sa mga gawaing walang katuturan! Wag ubusin ang oras sa kape-Facebook. Sa pinansiyal, umpisahan mo nang magtipid upang makaipon. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, i-kiss mo siya at romansahin upang mawala ang pagsisintir. Mapalad ang 7, 16, 27, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Red at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending