Barbie kay JM: Siguro hindi talaga kami para sa isa’t isa


NAGSALITA  na si Barbie Imperial tungkol sa break-up nila ni JM de Guzman. Aniya, hindi lang siguro talaga sila para sa isa’t isa.

“May mga nangyari lang talaga. Pero siguro hindi talaga kami meant. Napag-usapan naman na ‘yung nangyari. Napag-usapan na okay lang. Sa akin naman okay lang kung ano talaga,” ani Barbie sa panayam ng ABS-CBN.

“Parang ako kasi hindi ako ‘yung ‘Hindi. Ipilit ko parang ganu’n. Ipilit natin ganu’n baka pwede pa’. So nag-usap kami after ng nangyari. Sabi ko ‘Hindi wala tapos na ‘yun. Okay na ‘yun’,” aniya pa

Read more...