Ang kawawang pendehong torotot

MARAMI rami na rin ang mga suspected criminals ang natatapuang patay sa Davao City mula nang magbigay ng warning si Mayor Rody Duterte na umalis na sila sa lungsod kundi may mangyayari sa kanila.

Sinabi ni Duterte sa talumpati sa kanyang oath-taking bilang mayor na, “If you can’t or will not stop, you will not survive, you can leave either vertically or horizontally.”

Ibig sabihin ng “vertically,” nakatindig silang aalis at ang “horizontally” naman ay nasa kabaong silang aalis hindi lang sa lungsod kundi sa mundo na rin.

Pero nang tanungin ng mga reporters si Duterte kung may kinalaman siya sa mga nasasalvage na mga suspected criminals sa lungsod, sinabi niyang wala siyang kinalaman.

Siyempre, di niya aaminin.

Pero alam ng mga taga Davao City kung sino ang taong nasa likod ng mga pagpatay sa mga masasamang loob.

Ang alam ng karamihan ay ang mga ito ay gawa ng tinatawag na Davao Death Squad.

At ang mga taong masunurin sa batas ay maligaya sa mga nangyayaring pagpatay sa mga kriminal sa halip na sila’y matakot.

Alam nila na para sa kanilang kapakanan ang pananalvage ng mga masasamang-loob.

Mabuhay ang Davao Death Squad!

Siyempre, nagagalit ang mga human rights activists sa ginagawang pagpatay sa mga notorious criminal sa Davao City.

May katwiran silang magalit at mabahala dahil hindi ipinadaan sa proseso ng batas ang pagtanggal sa mga ito sa lipunan.

Pero kung aasahan mo ang proseso ng batas para kang naghihintay ng taong di na darating.

Sa totoo lang, wala tayong batas dahil nabibili ang hustisya. Napakaraming corrupt prosecutors at judges.

Dahil sa corruption sa ating judiciary, maraming criminals ang nasa labas at naghahasik ng lagim sa ating lipunan.

Kung ikaw ay naniniwala na may hustisya sa ating bansa, para kang naniniwala na tunay ang pagkatao ni Santa Claus.

Mainit na balita ngayon ang diumano’y video scandal na ipalalabas ng lalaki sa kanyang hiniwalayang asawa.

Ang mag-asawa ay kapwa sikat sa lipunan.

Ano yung video scandal na sinasabi?

Baka yung tinutukoy nila ay ang pagkaka-record ng pagtatalik ni babae sa ibang lalaki.

Alam ng lipunan na matagal nang tinotorotot ni babae si lalaki.

Lantarang sumasama ito sa mga ibang lalaki upang kumita ng malaking pera.

Isang beses, nagwala si babae sa isang tanyag na resort hotel dahil hindi siya binibigyan ng kanyang kalaguyo ng pera matapos siyang matalo ng malaki sa casino.

Nagsisisigaw si babae sa harap ng maraming tao at tumigil na lang ito nang binigyan na naman siya ng kanyang kalaguyo ng pansugal.

Isa pang lalaki na kumalantari daw sa babae ay isang politician.

Pinagsabihan ang pulitiko ng kanyang mga kaibigan na layuan na si babae dahil inaanak ito ng kanyang tatay sa kasal.

Nakakaawa si lalaki dahil siya’y pinagtatawanan ng sambayanan.

Ang isang pendehong torotot kasi ang huling nakakaalam tungkol sa panlalaki ng kanyang asawa.

Maaawa ka sa lalaki dahil kahit sa kanyang anyo ay bakas na bakas ang kanyang pagiging pendehong torotot.

READ NEXT
Genuine Faith
Read more...