AS IT is popularly known, ang telebisyon ay isang powerful at influential media.
In particular, ang noontime show na It’s Showtime ng ABS-CBN boasts of a wide viewership. Ewan nga lang kung consistent ang lahat ng segments nito that a viewer is stuck to the show from beginning to end.
But one thing seems sure, ‘yung kanilang “kabaklaan” segment proves to be an attraction even to the kids.
This writer lives in a neighborhood na hindi naman “squaterric” pero hindi naman “village-ish, sakto lang – maraming mga residente, may ingay, may gulo.
Natawa kami in silence sa isang grupo ng mga batang magkakalaro, chanting: “Beykla, beykla, aaura ka ba? Oo, oo, aaura ako!”
It reminded us of a scene in Walt Disney’s “Snow White and the Seven Dwarfs” kung saan kumakanta ang pitong duwende papunta sa minahan bitbit ang kanilang mining tools.
Sa isip-isip namin, ‘langyang mga batang ‘yon—boys and girls na below seven ang edad—sa lakas ng impact ng Miss Q & A segment ng It’s Showtime ay pati ‘yun ay na-imbibe nila.
Buti’t ‘di na dumating sa point na plakado na nila ang buong segment from the gay candidates’ intro speeches, their nuances and overall aura.