Pornhub: Pinoy no. 1 sa mga bansa mahilig manood ng mga porn site

NUMERO uno muli ang mga Pinoy sa mga pinakamatagal manood ng porn ngayong taon, kung saan halos magkadikit ang bilang ng mga babae at lalaki na nanonood, ayon sa Pornhub.

Sa taunang “Pornhub Insights” report, na inilabas ng research at analysis team ng site noong Disyembre 11, sinabi nito na gumugugol ng average na 13 minuto at  50 segundo sa  adult site para sa taong 2018. Mas mataas ito ng 22 porsiyento kumpara noong isang taon.

Bukod sa Pilipinas, pasok din sa top five ang South Africa, United States, Ukraine at Canada.

Lumalabas na 62 porsiyento sa mga mahilig manood ng porn ay mga lalaki at 38 porsiyento naman ay mga babae. Mas mataas ito ng dalawang porsiyento kumpara sa 32 porsiyento noong isang taon.

Read more...