OF late, parang hindi na gaanong pinag-uusapan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, does parenthood become them? We believe so.
Kung sisipatin kasi ang mga showbiz headlines, today’s tabloids are dominated by MMFF-related items, tungkol sa mga bida nito, issues about them, etc..
Sa mga non-MMFF stories, nariyan ang kasal albeit minus the details ni Jake Zyrus sa dyowa niyang si Shyre Aquino, another Aquino na si Kris who manufactures her own stories to share with the world, may manaka-naka tungkol kay Sharon Cuneta linking it to her Kuya Chet’s mayoral bid, etc..
Natabunan na nga ang JLC-Ellen issue. Not a single, even a trivial item graces tabloid pages. Wala ring photo ng kanilang offspring.
Kinokontra kasi nito ang kasabihang “Absence makes the heart grow fonder.” Lumalabas tuloy ang kabaligtaran nitong out of sight, out of mind. Everyone’s heart seems to have grown tired…of hoping they’d ever be back, or waiting for their next appearance, or worse, of keeping their love for both.
Kunsabagay, the couple don’t mind giving up everything (they actually have given up) alang-alang sa kanilang kaligayahan.
Pero sayang si JLC, sa pagkawala kasi niya’y binigyan niya ng espasyo ang less good actors na dati’y wala namang puwang.
We cannot say this of Ellen. Wala naman kasi siyang tatak na nagmarka para panghinayangan.
q q q
Super belated happy birthday (Dec. 9) kay Butch Francisco na binati na namin sa telepono four days bago ang kanyang kaarawan.
Walang bonggang celebration na idinaos si Butch sa inakala naming bagong three-storey house niya in New Manila, QC. Sa halip, nitong Sabado’y nagtipun-tipon ang mga artistang miyembro ng kung tawagi’y Balik-Samahan.
Gathered were all birthday celebrators sa buwan ng Disyembre (including Gloria Romero) sa tahanan ni Pempe Oreta na regular na idinaraos.
Ang mga may kaarawan either chip in or bring potluck habang welcome ang mga bisita.
Mabuti pa nga ang pagtitipong ‘yon kumpara sa mga awards night. Sa Balik-Samahan, doon mo makikitang bonded pa rin ang mga tulad nina Caridad Sanchez, Pilita Corrales, Marichu Vera-Perez, mag-asawang Robert Arevalo at Barbara Perez, Baby O’Brien, Liberty Ilagan and other stars of yesteryears.
To Tito Butch, BHBD…#AlamNa.