NANINIWALA ang nakararaming Filipino na tutuparin ng Estados Unidos ang pangako nito na tutulungan ang Pilipinas sakaling salakayin tayo ng ibang bansa.
Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) 61 porsyento (31 porsyentong lubos na naniniwala at 30 porsyentong medyo naniniwala) na ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas kapag sinalakay ito.
Wala namang tugon ang 30 porsyento samantalang siyam na porsyento lamang (3 porsyentong lubos na hindi naniniwala at 6 porsyento na medyo hindi naniniwala) ang hindi naniniwala na sasaklolo sa Piipinas ang US.
Marami naman ang hindi nakakaalam na mayroong Mutual Defense Treaty ang Pilipinas at Estados Unidos noong Agosto 1951 kung saan nakasaad na sasaklolo ang Amerika sa Pilipinas kapag sinalakay ito.
Ginawa ang survey mula Hunyo 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.