Mga kumpanya dapat na maging OSH champion

ALINSUNOD sa layunin ng labor department na magkaroon ng ligtas at malusog na lugar-paggawa, nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa parehong employer at manggagawa na maging occupational safety and health champion sa pamamagitan ng pagbubuo ng praktikal na OSH program sa plant level.

Napapanahon ang panawagan na maging OSH champion sa pagpupunyagi na maitanim sa kultura ang ligtas at malusog sa araw-araw na gawain ng parehong manggagawa at employer.

Tinatawagan na higitan ang isang milyong OSH champion. Kailangan din na itaguyod ang OSH na maging bahagi ng buhay ng lahat ng Pilipino,”

Magandang senyales din angpagtaas ng bilang ng mga nagnanais na maging partner ng pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng manggagawa na makikita sa malaking bilang ng mga lumahok sa Congress.

Upang pataasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa paglabag sa patakaran sa OSH, ang pagpasa ng Republic Act 11058 o An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards.

Nasa mahigpit na kautusan ang ating mga labor inspector sa pagpapatupad ng regulasyon. Mahigpit na parusa ang ipapataw sa mga employer na lalabag dito. Gayunpaman, kinakailangan natin silang tulungan sa kanilang pagtupad sa mga regulasyon,

Simula 1990, ang Congress ay nagiging daan upang makakalap at magpalitan ng mahahalagang impormasyon sa ligtas at malusog na lugar-paggawa.

END/aldm/gmea
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...