James, Joshua tinanggal sa Walk Of Fame 2018


NATSUGI pala sa listahan ng mga recipients ng Walk of Fame stars this year ang magdyowang sina James Reid at Nadine Lustre, pati na rin ang ka-loveteam ni Julia Barretto na si Joshua Garcia.

Isa si Julia sa mga binigyan ng star sa Walk of Fame ngayong taon na ginanap sa last Monday sa Eastwood City Central Plaza. Ang anak na ng yumaong TV host-comedian na si German Moreno, na si Federico Moreno ang namamahala rito.

Nauna nang in-announce na kasali sina James at Nadine, pati na si Joshua sa mga inductees this year pero tinanggal sa listahan dahil hindi raw makakarating ang mga ito sa mismong araw ng ceremony.

“For this year’s inductees, we invited their love teams. Unfortunately, they can’t make it. The board is very very strict, e. Presence is really required,” ani Federico sa isang panayam.

Ilan sa mga binigyan ng star sa WOF sina Vhong Navarro, Ken Chan, Pia Wurtzbach at marami pang iba.

Read more...