Vice, Kim nangaroling sa mga pasahero at driver ng jeep; kinita binigay sa Bantay Bata


PINAGKAGULUHAN sa kalsada sina Vice Ganda at Kim Chiu dahil nangaroling sila sa mga motorists.

Nakunan ng video ang pangangaroling ng dalawa for a good cause. Ang lahat kasi ng kinita nila ng gabing iyon ay ibinigay nila sa Bantay Bata.

Maraming drivers at pasahero ang nabigla upon seeing the two na nangangaroling. Lahat naman nagbigay. Nangaroling pa nga sila sa bus. Iniwasan na nila ang mamasko sa mga pasahero ng dyip dahil feeling nila ay makakadagdag pa sila sa pasakit ng mga ordinaryong mamamayan.

Daming pumuri kay Vice na bida sa “Fantastica” at maging kay Kim na rin as reported by one website.

“I like how Vice mind about people’s situation. Kahit na trip trip lang nila na mamasko. Sensitive pa din sya sa mga tao around him. Alam mo talagang he values kung saan sya nagsimula.”

“Natawa ako, yung jingle naging lullaby dahil inaantok na si baby HAHAHA!”

“Sana gawin nilang laging mga celebrity ang nangangaroling para sa Bantay Bata.”

Read more...