‘Wag nang magtaka kung umapir si Abueva sa Fantastica ni Vice!’

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

TODO promote na ang mga artistang may pelikula sa nalalapit na 2018 Metro Manila Film Festival.

Nauna na nga si Vice Ganda dahil a month ago pa niya binabanggit sa It’s Showtime ang entry niyang “Fantastica.”

Kaya hindi kataka-takang maging kampante si Vice na hahataw muli sa takilya ang kanilang pelikula.

Kahit na may mga nagsasabi na malaking pressure sa komedyante ang kinita sa takilya ng movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (highest box-office record of all time sa takilya ngayon), ang “The Hows of Us.”

Based on the trailer of “Fantastica,” nakakatawa pa rin naman ang movie ni Vice at patikim pa lang ‘yun, huh! What more kapag napanood na ang buong pelikula.

May plus factor pa si Vice sa “Fantastica” dahil first time niyang sumalang sa isang pelikula na may temang fairy tale, “May mga hari, may mga reyna, may mga prinsipe, may mga prinsesa, ganoon.

Pang-bagets tapos makulay na makulay talaga siya,” saad niya sa grand presscon ng “Fantastica” kamakailan.

At huwag nang magulat kung may surprise participation ang special someone niya ngayon na si Calvin Abueva sa “Fantastica.”

Read more...