Kiray niloko raw ng produ, show sa Davao nakansela

Kiray Celis

NALOKO umano ang aktres na si Kiray Celis ng isang producer na kumuha sa kanya para mag-show sa Mintal, Davao.

Sa kanyang Instagram account, ipinaalam ni Kiray kung bakit hindi siya nag-perform sa nasabing show.

“Nakarating po ako. Di po sila tumupad sa usapan. Sobrang bastos nila. Napag-alaman namin na ang producer na kumuha samin ay hindi lang po ako ang hindi binayaran.

“Magmula hotel, host at sound system at mga kapwa ko performers at mga artists. Kahit mga bumili ng ticket hindi binalik. Wow! Si Lord na bahala sayo,” ang litanya ng komedyana.

Sinundan pa ito ng mensaheng, “Maraming salamat, Mintal, Davao. Pasensya na sa nangyari. Hindi man ako nakapag-perform para sa inyo, pero bumawi ako at nagparade para sa inyo.

“Thank you sa lahat ng tumulong lalo na sa friends at naging pamilya namin dito sa Davao. At sa mga kaibigan kong tumawag, nagtext at nag-alala. Maraming salamat po at nalampasan ko itong problema na ito,” aniya pa.

Bukas naman ang pahinang ito para sa producer ng show.

Read more...