1 sugatan sa sunog sa QC

December 11,2018
share this

1 sugatan sa sunog sa QC

December 11,2018
share this

ISA ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa isang bungalow sa Quezon Cit, kaninang umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). 

Sinabi ni BFP Inspector Rosendo Cabillan Jr., na nagsimula ang sunog sa attic ng isang bungalow sa Giraffe st. Green Meadows Subdivision, Barangay Ugong Norte, Quezon City.

Nagtamo naman ng first degree burns sa kanyang kanang braao si Merrian Vargas. 

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog ganap na alas-4:07 ng umaga at idineklarang naapula na ganap na alas-5:30 ng umaga.

Sinabi ni Cabillan na posibleng faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.

Umabot sa kalahating milyon ang naabo sa sunog, ayon pa sa BFP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending