Marian waging best actress sa OFW Gawad Parangal 2018


ISANG bagong parangal na naman ang tinanggap recently ng Kapuso Primetime King na si Marian Rivera. Siya ang napiling Best Actress sa 2018 OFW Gawad Parangal ng KAKAMMPI o Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc.

Iginawad sa misis ni Dingdong Dantes ang nasabing award para sa kanyang performance sa “Milya-milyang Agwat ng Mag-ina” episode ng programa niyang Tadhana.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Marian sa KAKAMMPI, “Special sa akin ang episode na ito dahil muli kami nagkasama sa trabaho ng asawa ko bilang aking director. Salamat sa’yo Mahal ko, sa suporta, sa pag-aalaga at pag-guide mo sa akin para maibigay ko ang tamang pagganap. Personal man o sa trabaho, you always bring out the best in me. Naks!”

“At lalo pang naging special dahil sa nabigyan ako ng parangal. Salamat pong muli KAKAMMPI.”

Read more...