DELIKADO ang online dating. Yan ang paniwala nina Maymay Entrata, Edward Barber, Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Sa guesting ng dalawang Kapamilya loveteam sa Magandang Buhay kahapon ng umaga, naitanong sa kanila kung nasubukan na ba nila ito at kung ano ang masasabi nila sa mga taong open sa pakikipag-date online.
“Kasi mamaya may ibang balak pala (ang ka-chat), or ibang tao pala na gumagawa lang ng account,” ani Loisa.
Sey naman ni Edward, may ilang kaibigan siya sa Germany na may bad experience sa online dating,
“Actually sa Germany, maraming stories, mga bad experience. Medyo dangerous yun if you’re not careful.
“The best thing, if you really want to do that, dapat may proof na totoo at sila talaga yun. Pwede kayong mag video chat para may proof talaga. Sa Germany kasi, medyo matigas ulo ng mga kaibigan ko kaya nag-gaganun sila, for fun lang,” sabi pa ng ka-loveteam ni Maymay.
Aniya, marami namang paraan para makakilala ng tao, bukod sa internet, “Pero sa tingin ko there’s no difference between chatting to someone on text or online sa social media. Parang excitement lang yun so sa tingin ko, hindi naman kailangan. There are better ways to get to know someone.”
Mapapanood ang MayWard, LoiNie at DonKiss (Donny Pangilinan at Kisses Delavin) loveteams sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na “Fantastica”, showing on Dec. 25 from Star Cinema.