Hunk actor Shido Roxas natakot makipaghalikan sa kapwa lalaki

December 11,2018
share this

Hunk actor Shido Roxas natakot makipaghalikan sa kapwa lalaki

December 11,2018
share this


NAGDALAWANG-ISIP palang tanggapin ng baguhang hunk actor na si Shido Roxas ang role bilang young Eddie Garcia sa 2018 MMFF entry na “Rainbow’s Sunset” under Heaven’s Best Entertainment.

Ayon kay Shido, nang malaman niyang magkakaroon siya ng kissing scene sa kapwa lalaki sa ilang eksena, parang feeling niya ay hindi pa niya kaya.

“Kasi siyempre, baguhan pa lang ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. I really had second thoughts since it required me to have torrid kissing scenes, ‘yun kasi ang nasa script, matinding laplapan, with another guy, na ginampanan nga ni Ross Pesigan, who plays the young Tony Mabesa,” paliwanag ni Shido nang makachikahan namin recently.

Dugtong pa ng binata, “I was very apprehensive but my manager, Leo Dominguez, kinausap niya ako. One hour kaming nag-meeting. He explained to me that it’s a good role kasi not everyone gets the chance to play Eddie Garcia and he said I should not worry about the kissing scene kasi Direk Joel Lamangan will guide us, so I agreed to do it.

“Sa kissing scene, he told us to do it right away without any reluctance para one take lang. It ends with my wife, Max Collins as the young Gloria Romero, catching us in the act,” kuwento pa ni Shido.

Ayon sa binata, wala pa siyang masyadong experience sa acting, pero willing pa siyang matuto dahil kakaririn na raw niya this time ang pagiging artista.

Turning 27 na si Shido sa darating na Dec. 17 kaya natanong siya kung bakit parang late na siyang nakapagdesisyon na seryosohin na ang showbiz.

“I know. Bata pa ako, talent scouts who see me in public would offer to manage me but I’m not interested in showbiz then. My mom wants me to be a lawyer after I finished economics in La Salle, pero ayoko.

“I looked for a school in Japan where I can enroll and I stayed there for five years to get a second degree in international management.

“Pagbalik ko rito sa Philippines, Cosmo Bachelor got me as one of their models at pumayag naman ako. After that, I did some TV commercials then I met Leo Dominguez until we agreed na siya na ang mag-manage sa akin. ‘Yung sa una kong movie, I played as the new boyfriend of Erich Gonzales sa ‘The Significant Other’, na idinirek din ni Direk Joel,” kuwento pa ni Shido na pwedeng-pwedeng maging bida-kontrabida sa mga teleserye.

Speaking of “Rainbow’s Sunset”, sinabi ni Shido na kahit may gay theme ang kanilang entry sa MMFF 2018, siguradong maa-appreciate ito ng buong pamilya, hindi lang ng mga members ng LGBTQ community.

Pero inamin niya na bago sumalang sa shooting, nanood muna siya ng ilang Pinoy gay films tulad ng “Lihis” nina Jake Cuenca at Joem Bascon at ang “Muli” nina Sid Lucero at Cogie Domingo.

“Big challenge for me ang pagganap bilang young Eddie Garcia kasi I know he’s a prominent icon in showbiz. I watched his old classic films and other gay movies to get an idea on how to do it. Wala naman akong problem sa LGBT community kasi may mga kamag-anak akong gay, both men and women, so I have no gender biases talaga.

“I got very encouraging remarks from Direk Joel for my performance so now, ganado na akong ituloy ang pag-aartista ko. There’s a new offer from a comebacking director. Sana nga, matuloy,” chika pa ng binata.
Hindi rin nakaligtas si Shido sa ilang personal questions mula sa ilang member ng entertainment media, kabilang na ang kanyang lovelife. may dyowa ba siya ngayon? “Yes, but right now, the status is complicated. She’s a model, part Russian, who’s based in Italy. I met her in Japan. Nag-break kami, tapos nagkabalikan, but we’re so far apart from each other. So, medyo mahirap, medyo complicated.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending