PITX dagdag pahirap sa manggagawa

LUMALABAS na pabigat, dagdag pahirap at gastos pa para sa mga manggagawang nagko-commute papunta ng trabaho at pauwi sa kanilang bahay ang bagong landport na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Mas marami pa ang maapektuhan kapag tinanggal ang exemption ng DOTr sa 300 city buses na nagdadala ng workforce sa Metro Manila galing Southern Luzon cities.
Ito ang lumalabas sa simulation at interviews that I conducted sa mga manggawang nagtatrabaho sa National Capital Region at umuuwi sa Cavite at Batangas araw-araw.
Sa ating pagsabak last week, ang kasalukuyang sistema ng PITX ay pahirap, pabigat at dagdag gastos pa para sa daang libong manggagawa na umuuwi ng Cavite at Batangas.
Lumalabas na dagdag gastos, dagdag oras at dagdag lost opportunities pa para sa mga workers ang kasalukuyang sistema ng PITX. Kinakailangan na gagastos pa ng additional P12 to P36 ang bawat pasahero na pupunta sa iba’t ibang workplaces in Metro Manila. Pano naman kasi, imbes na dideretso ang bus papuntang Metro Manila, dadaan papuntang PITX, papasok sa terminal at saka maghahanap ng ma-sasakyan papuntang trabaho.

Dahil dito, the PITX system is adding more burden and more cumbersome layers to affected workers.
Bukod sa kabawasan sa productivity sa opisina at paggawaan, bawas sweldo, dagdag oras, additional tardiness, additional stress din ito para atin na matagal nang naghihirap at nagsasakripisyo dahil sa matinding trapik, mahal na pasahe, stressful commuting at lost opportunity dahil sa mga ito.

Bakit ba palaging sinasakripisyo ang commuting working force? Haaiisst!

Ilang araw na lang at Pasko na!
Nakuha na ba ninyo ang inyong mga 13th month pay at Christmas bonus?
Dapat matanggap na ng lahat ng mga employees in private companies in Luzon, Visayas and Mindanao ang kanilang 13th month pay bonus.
Ayon sa Presidential Decree 581, all employers are required to pay their employees’ 13th month pay bonus on or before the end December 24 every year.
Kaya please lang ibigay na ang kanilang 13th month pay para may panghanda ngayong
Kapaskuhan.

Read more...