SK chairman patay matapos maaksidente ang sinasakyang SUV sa Bulacan 

PATAY ang isang chairman ng lokal na Sangguniang Kabataan (SK) matapos na maaksidente sa Barangay Sto. Niño, Plaridel, Bulacan ngayong Lunes.

Batay sa ulat mula sa Bulacan Police, kinilala ang biktima na si  Mark Paolo Manaysay, 24, SK Chairman ng Barangay Lugam,  Malolos City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Manaysay ang isang Toyota sports car papunta sa Malolos City nang aksidenteng tamaan ang dalawang steel gate, isang jeepney, isa pang steel gate pagkalagpas sa Nabuag Bridge.

Kinailangan ng Provincial Capitol na putulin ang bahagi ng sports car para mailabas ang biktima mula sa sasakyan.

Dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center sa Malolos City, bagamat idineklarang dead on arrival.

Read more...