Pamilya ni PATRICK buking ang mga lihim ni JENNYLYN


Napuno na nga siguro ang dakilang ina ni Patrick Garcia na si Mommy Bing, awang-awa na siguro siya sa kanyang anak, kaya naglabas na siya ng mga sama ng loob sa pamamagitan ng social media.

At sa kanyang mga litanya ay nandu’n ang senaryo para lang makita ni Patrick ang anak nitong si Alex Jazz, parang may price range pa ngang tinutukoy si Mommy Bing tungkol sa pagkikita ng mag-ama, hanggang sa pumasok na sa usapan si Andrei Felix.

Tungkol sa sustento at sa halagang kailangan para lang makita ni Patrick ang kanyang anak ay hindi kami masyadong pamilyar, wala kaming gaanong alam tungkol du’n, pero kung kuwento tungkol kay Andrei Felix ang pag-uusapan ay meron kaming alam.

Totoong naging magkarelasyon sina Andrei Felix at Jennylyn Mercado, pero may kuwento tungkol sa kanilang paghihiwalay na ang aktres lang ang nagdesisyon, kaya tumawag pa ang aktor nu’n sa kanyang mga kaibigang reporters para maglabas ng mga sama ng loob habang iyak nang iyak.

Si Andrei kasi ang pumapel bilang ama-amahan ni Alex Jazz sa kawalan ni Patrick, parang ito na talaga ang naging ama ng bata, pero bigla na lang itong hiniwalayan ni Jennylyn, na talagang iniyakan ng aktor-TV host.

Lumalabas kasing ginawa lang na pamasak-butas ng aktres si Andrei na naging seryoso naman sa kanilang relasyon, kaya nang biglang tumalikod si Jennylyn, alak ang naging sumbungan ni Andrei.

Alam ‘yun ng pamilya ni Patrick, lalo na ni Mommy Bing dahil sa pagkakaalam namin ay nagkakausap-usap pa sila kapag hinihiram ni Patrick ang kanyang sariling anak.

Magulo ang kuwento ng buhay-pag-ibig ni Jennylyn Mercado, hiling namin na huwag sanang makaladkad nu’n ang marespetong si Luis Manzano, ang kasalukuyang karelasyon ng aktres. Harinawa.

Read more...