Kilalang hunk actor kabogera, adik na adik sa make-up


MAHIHIRAPAN nang kalimutan ng mga miron ng isang malaking network ang kanilang mga karanasan kasama ang isang hunk actor. Sa mga biyahe nila ‘yun sa iba-ibang bansa kapag may concert ang kanilang mga artista.

Palagi nilang kasama ang guwapong hunk actor na nu’n pa man ay hi-nuhusgahan nang kuwestiyonable ang gender. Malamya kasing kumilos at magsalita ang hunk actor.

Kuwento ng isang source sa grupo, “Naku, hanggang ngayon kaya, e, palagi pa rin siyang natsa-charge sa excess luggage niya? Kailangang may datung palagi ang lalaking ‘yun, may cash siya dapat palagi, dahil sa mga bagahe niyang sumosobra sa timbang!

“Kasi naman, pagkababa pa lang niya ng mga luggage niya sa hotel, e, agad-agad na siyang nagsi-shopping. Napakahilig talaga niyang maggala nang mag-isa, kasi nga, e, nabubuking ng mga kasamahan niya kung ano-anong shop ang paborito niyang pasukin!” simulang chika ng aming impormante.

Kung ang ibang mga katrabaho niya ay mahilig bumili ng mga sapatos at bags, ang hunk actor namang ito ay palaging puro pang-make-up ang binibili, ginagalugad niya talaga ang mga make-up shops para makabili ng mga latest arrival.

“Grabe siyang gumastos sa iba’t ibang brands ng emyash! Sabihin mo ang kahit anong sikat na brand at siguradong meron siya nu’n, hindi siya puwedeng magpahuli!

“’Yun lang talaga ang pinagkakagastusan niya, puro make-up at lotion lang. Kung bumili man siya ng polo at t-shirt, e, iilang piraso lang ‘yun. Talagang make-up brands ang weakness niya.

“Heto na. Dahil ang dami-dami nga niyang binibili, e, palagi siyang nagbabayad para sa excess baggage niya. E, hindi niya naman binabawasan ang pinamili niya para hindi na siya ma-charge.

“Iniuuwi niya talaga ang lahat ng pinamili niya, kesehodang ma-charge ng kung magkano man, dahil mahalaga sa kanya ang mga pinamili niyang pang-make-up.

“Kabog nga niya ang mga nakakasama niyang female personalities, kulang-kulang ang mga make-up stuff nila, samantalang kumpleto ang kay hunk actor! Gumagastos talaga siya, namumuhunan!

“E, di hulaan n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, para hindi kayo maupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Read more...