MAY bago ring aabangan ang fans ng Kapuso young actor na si Paul Salas. Makakasama niya sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz at Jak Roberto sa upcoming GMA show na Kara Mia.
Answered prayer ito para kay Paul kaya’t dapat daw asahan ang kanyang full effort para sa show lalo na’t kasama niya rito ang kanyang uncle na si Arthur Solinap at ang mga seasoned actors na sina Carmina Villarroel, John Estrada, Glydel Mercado, Alicia Alonzo at Gina Pareño.
Ayon pa kay Paul, intriguing at exciting ang kuwento ng Kara Mia kaya yan ang dapat n’yong aba-ngan sa GMA lang.
MOST READ
LATEST STORIES