SA paglaya ng dating senador na si Bong Revilla ay expected na rin siyempre na may mga taong mangnenega sa kanya.
Meron kaming mga nabasa mula sa kapwa niya mga taga-showbiz na lantaran ang pagpintas o pagpuna sa paghatol sa kanya ng not guily ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder case, but knowing papa Bong, tanggap na niya ito.
Hindi nga niya mapi-please ang lahat at mapapaniwala na siya’y inosente sa kaso dahil sa pagkakaiba ng kanilang mga pananaw at paniniwala, pero one thing is for sure, positibo pa rin ang pananaw dito ni Bong.
Sa mahigit apat na taon niya sa Custodial Center ng Camp Crame at sa maraming pagkakataon na nabibisita namin siya at nakakausap, napakalaki ng pagbabago ng pananaw niya pagdating sa mga realidad ng buhay, hindi lang sa usapin ng pulitika.
Come 2019 at sa muli niyang pagsabak sa eleksyon, muli siyang magpapakilala sa sambayanan bilang isang matatag, mahusay at magaling na lider.
Congratulations at tunay na maligaya nga ang Pasko ng pamilya Revilla ngayong malaya na siya.