Kilalang singer naduwag sa ka-batch na performer

Napakaraming mga raket ngayon lalo na’t palapit na nang palapit ang Pasko.

Mabentang-mabenta ngayon ang mga singers, stand-up comedians, hosts at mga kilalang celebrities sa mga party at iba pang Christmas events.

Pero kakaiba ang drama ng isang young singer-actor na dapat sana’y magiging “bida” sa charity event ng isang NGO.

Handa na raw ang lahat pero nang malaman nitong makakasama niya ang isang dating kasama sa isang singing search at nakabanggaan niya kamakailan, ay nagpaabiso itong meron siyang ibang gagawin.

Ang kapwa niya singer ay nagkaroon na ng malaking break sa music scene matapos mag-hit ang kanyang single na naging theme song pa nga ng karamihan sa ating mga kababayan.

“Ayaw sigurong ma-witness na ma-upstage siya ng dating kasama at ngayo’y karibal. Obvious kasing sa lakas ng kanta ngayon ni ____ (name ng kasabayang singer), meron na itong mark na matatawag,” sey ng kausap namin.

Considering na siya ang top billing sa show, may insecurity pa pala ang singer na ito?

Read more...