Bagong batas para sa proteksiyon ng OFW sa Canada

ISANG bagong batas ang isinusulong upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga manggagawang Filipino sa Canada laban sa pang-aabuso.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Vancouver na ang mungkahing panukala ay naglalayong magtatag ng registry ng mga employer at recruiter para sa mga temporary foreign worker sa Canada na binubuo ng mga OFW.

Ang pagtatatag ng registry, batay sa nakasaad sa mungkahing Temporary Foreign Workers Protection Act, o Bill 48-2018, ay naglalayong pangalagaan ang mga temporary foreign worker mula sa mga mapang-abusong employer o recruiter.

Sa ilalim ng panukala, libre at magagamit online ang proseso ng pagrerehistro ng mga employer at recruiter.

Dagdag pa rito, batay sa mungkahing panukala, mapapawalang-bisa ang lisensiya at mabibilanggo sa loob ng isang taon ang employer o recruiter na mapapatunayang lumabag sa kanyang obligasyon.

Ipinahayag kamakailan ni Canadian Labor Minister Harry Bains na isinumite na para sa unang pagbasa ang mungkahing panukala sa British Columbia Legislature.

Inaasahan na magkakaroon ng konsultasyon sa lahat ng stakeholder at ang POLO-Vancouver ay inimbitahan din para sa aktibong pakikibahagi sa pagbubuo ng patakaran at pamantayan para sa pagpapatupad ng batas.

Labir attqche Margarita Eugenia
Victorino
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...