True ba, umabot na sa milyon ang utang ni NADIA kay MARK HERRAS?

Usap-usapan sa showbiz ang paghihiwalay nina Mark Herras at Ynna Asistio. Wala pang gustong magsalita sa dalawa pero malakas ang bulung-bulungan na talagang beyond reconciliation na ang dalawa.

Wala na raw makapipigil pa sa paghihiwalay nila. Ang chicka, si Mark  ang nakipaghiwalay kay Ynna. Hindi pa malaman sa ngayon kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Mark and Ynna posted separate photos of themselves sa kanilang Instagram account. Obvious na galing sa pag-iyak ang dalawa. Obviously, too, that they have problems sa kanilang relationship.

There are rumors floating around na merong malaking pagkakautang ang madir ni Ynna na si Nadia Montenegro kay Mark. Tama ba ang chikang umabot na raw sa one million ang nautang ni Nadia kay Mark?

Ngayong hiwalay na ang dalawa, magkaroon kaya ng singilan between Nadia and Mark? We still have to wait sa explanation nina Mark, Ynna and Nadia about this.

But if  the utang issue is true, hindi naman siguro tatakbuhan ni Nadia si Mark, no! Tsaka malay naman natin kung utang talaga yun, di ba?

Read more...