Shabu laboratory ni-raid sa Greenhills, San Juan City

 

NI-RAID ng mga pulis ang isang bahay sa San Juan City, na ginagamit umano bilang laboratoryo sa paggawa ng shabu.

Armado ng search warrant, ni-raid ng mga pulis ang bahay sa No.5 Arthur st., North Greenhills, San Juan City.

Ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO),  maaaring makagawa ang laboratory ng 30 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P204 milyon.

Narekober mula sa bahay ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu, apparatus at mga equipment.

Hindi naman nahuli ang umano’y nagpapatakbo ng laboratory.

Sinabi ni Senior Supt. Dindo Reyes, San Juan City Police chief, na natukoy na ang nagpapatakbo ng laboratory bagamat tumangging pangalanan ito.

Kinumpirma naman ni Reyes na Pinoy ang suspek at kabilang sa grupo ni Kim Jeong Hee, isang Korean national at umano’y chemist na naaresto kamakailan dahil sa iligal na droga.

Read more...